^

Metro

Panibagong bigtime oil price hike, ipinatupad

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagtuluy-tuloy na ang lingguhang pagtataas ng ­presyo ng produktong petrolyo sa bansa dahil sa ikapitong pagkakataon ngayong Martes ay ipatutupad ang isa pang big-time price hike.

Ayon sa Chevron Corporation simula alas-12:01 ng madaling araw may dagdag nang P1.50 sa kada litro ng  ng diesel, P1.30 sa gasoline at P1.45 sa kada litro ng kerosene.

Ang Pilipinas Shell, Petron Corporation at Sea Oil ay magtataas sa kahalintulad din halaga simula alas-6:00 ng umaga ngayong araw.

Ang PTT Philippines, Petro Gazz, Total Philippines, Phoenix Petroleum at Unioil Philippines ay pareho lang ang ­presyong ida­ragdag sa mga produktong gasolina at diesel,habang wala naman silang kerosene.

Ang Clean Fuel naman sa pareho ring halaga ang itataas na mararamdaman pa dakong alas-4:01 ng hapon.

Ayon kay PTT Philippines Communication Officer Jhay Julan, epekto ang big time price hike sa galawan ng presyo sa pandaigdigang merkado

HIKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with