^

Metro

Kaso vs QCPD DD Yarra isasampa sa Ombudsman

Pilipino Star Ngayon
Kaso vs QCPD DD Yarra isasampa sa Ombudsman
Noong Enero 14, 2019, ayon sa CA – G.R. SP No. 151727 at CA - G.R. SP No. 154056, nabigo ang petition for certiorari na inihain ng PCSO upang kanselahin ang operasyon ng Globaltech at unanimous na kinatigan ng Court of Appeals ang inilabas na status quo ante order ng Pasig RTC.
STAR/ File

Dahil sa pagbalewala sa utos ng korte?

MANILA, Philippines — Nakatakdang sampahan ng patung-patong na kaso ng Globaltech Mobile Online Corporation sa Office of the Ombudsman si Quezon City Police District Director PBGen Antonio C. Yarra kaugnay sa utos nitong pag-aresto umano sa mga kawani ng Peryahan ng Bayan kamakailan sa lungsod.

Ayon kay Atty. Bernard Vitriolo ng Globaltech, ito ay direktang paglabag sa karapatan ng kompanya na ipagpatuloy ang kanilang operasyon.

Idinagdag pa nito na may proper identification ang kanilang mga tauhan na nangangasiwa sa palaro kaya’t hindi maituturing na illegal gambling ang kanilang operasyon.

Matatandaan na ginagarantiyahan ng status quo ante order na iniutos ni Presiding Judge Nicanor A. Manalo, Jr. ng Pasig Regional Trial Court Branch 161 noong Mayo 17, 2016 ang operasyon ng PNB sa pamamahala ng Globaltech.

Batay sa rekord, ang naturang kautusan ay kinatigan din ng Court of Appeals matapos utusan ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na patuloy na magpadala ng opisyal na kinatawan para sa PNB draw ng Globaltech.

Noong Enero 14, 2019, ayon sa CA – G.R. SP No. 151727 at CA - G.R. SP No. 154056, nabigo ang petition for certiorari na inihain ng PCSO upang kanselahin ang operasyon ng Globaltech at unanimous na kinatigan ng Court of Appeals ang inilabas na status quo ante order ng Pasig RTC.

Dahil dito, nagpahayag ng pangamba sa media ang isa sa mga opisyal ng QCPD na nakiusap na ‘wag banggitin ang kaniyang pangalan.

Ayon sa kaniya,  ‘Nangangamba kaming mga pulis sapagkat naiipit kami sa utos ni DD Yarra at sa umiiral na batas na ang Peryahan ng Bayan (PNB) ay awtorisado ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kaya’t ito ay isang legal na palaro.’

Idinagdag pa niya na posible silang buweltahan ng kaso ng mga legal na PNB sa lungsod at maiipit ang kaniyang mga tauhan dahil alam naman nilang lahat na matagal ng may umiiral na kautusan ang korte para sa patuloy na operasyon ng PNB ng Globaltech.

‘Baka pwede magconcentrate na lang kami sa pag-aresto sa loteng para legal ang panghuhuli namin, kaysa naman ang huhulihin mo e ‘yung may hawak na papel. Nakakapagod dumalo sa hearing ‘pag kinasuhan ka, maliban sa naaabala at nagagastusan pa kami,’ dagdag pa ng opisyal.

PBGEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with