^

Metro

Bangko Sentral nagbabala sa ‘pasalo auto scam’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Bangko Sentral nagbabala sa ‘pasalo auto scam’
Ang ‘pasalo-benta’ ng mga sasakyan at maging motorsiklo ay nauuso dahil sa ang mga may-ari na hindi na kayang hulugan ang kinuha nilang behikulo Dahil dito ipinapasa o ipinapasalo na nila ito sa iba na gustong magkasasakyan at ibinibigay sa kanila sa mas murang halaga.
STAR / File

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko ukol sa bagong natukoy na ‘pasalo auto scam’, kung saan target ng sindikato na mabiktima ang nais magbenta ng sasakyan at ang nais na bumili nito.

Ang ‘pasalo-benta’ ng mga sasakyan at maging motorsiklo ay nauuso dahil sa ang mga may-ari na hindi na kayang hulugan ang kinuha nilang behikulo  Dahil dito ipinapasa o ipinapasalo na nila ito sa iba na gustong magkasasakyan at ibinibigay sa kanila sa mas murang halaga.

Ngunit sa modus ng sindikato, bibilhin nila sa murang halaga ang isang sasakyan pero wala silang intensyon na bayaran ang buwanang amortisasyon o hulog.  Muli nilang ibebenta ang behikulo sa ibang buyer gamit naman ang mga palsipikadong dokumento.

“The victim will have no rights over the vehicle which will eventually get repossessed leaving the end-buyer with nothing,” ayon pa sa BSP.

Pinaalalahanan naman ng BSP ang mga bangko sa mahigpit na pagpapatupad at pagpapalakas ng mga regulasyon sa ‘anti-money laundering’ tulad ng: pagtukoy sa pagkakakilanlan at pagberepika sa mga kustomer; pagsubaybay sa mga transaksyon ng mga kustomer; pag-uulat ng mga kahina-hinalang transaksyon; at pagsasanay sa mga katuwang na car dealers.

Isang memorandum na rin ang inilabas ng BSP-Supervised Financial Institutions (BSFIs) ukol sa mga kumikilos na organisadong grupo sa pamamagitan ng auto loans.

Ayon sa PNP, kabilang sa mga pinipeke ng mga sindikato ay ang ‘conduction ­stickers, plate numbers, identification cards at employment certificates’ sa pamamagitan ng ‘identity theft’.

 

BANGKO SENTRAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with