Koreano na dawit sa cyber prostitution, timbog ng BI
MANILA, Philippines — Nadakip ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang South Korean national na wanted sa kanilang bansa dahil sa cyber prostitution kung saan kumita na ng higit sa 21 bilyong won o 17.7M US dollars.
Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang nadakip na si Park Seonghyeok, 47.
Nadakip siya ng mga tauhan ng BI-Fugitive Search Unit sa tinutuluyang condominium sa Taguig City.
Nahaharap si Park sa warrant of arrest na inilabas ng Daejeon district court sa South Korea habang pinawalang-bisa na rin ang kaniyang pasaporte at may red notice sa Interpol dahil sa prostitusyon.
Nabatid na nagtayo si Park at mga kasabwat ng internet website na nagbebenta ng mga babae para sa prostitusyon noong Hunyo 2014.
Higit 2,000 mga prostitution house ang ina-advertise ng kanilang website at kumita na sila ng 21 bilyong won sa naturang raket.
- Latest