^

Metro

Mayor Joy, no. 1 pa rin sa Quezon City

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Mayor Joy, no. 1 pa rin sa Quezon City
Ito ang lumabas na resulta ng ‘independent survey’ na isinagawa ng RP-Mission and Development Foundation Inc. nitong September 6, 2021 at nangunguna pa rin ang pangalan ni Mayor Joy sa mga pinagkakatiwalaang opisyal sa lungsod.
Facebook / Quezon City Local Government

MANILA, Philippines — Si Quezon City Mayor Joy Belmonte pa rin ang pinagkakatiwalaan ng mga taga-lungsod na mamumuno at magsagawa ng mga programa at mga polisiya.

Ito ang  lumabas na resulta ng ‘independent survey’ na isinagawa ng RP-Mission and Development Foundation Inc. nitong September 6, 2021 at  nangunguna pa rin ang pangalan ni Mayor Joy sa mga pinagkakatiwalaang opisyal sa lungsod.

Batay sa survey, kung gaganapin ang halalan sa ngayon, para sa pagka-alkalde, 57% ng mga botante ang  mananatiling boboto sa nag-iisang anak na babae ni dating Quezon City Mayor at House of Representative Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte.

Bagama’t pumangalawa, malayo ang porsiyento na nakuha ni  dating QC Mayor Herbert Bautista na may 24% lamang at sinundan ni Anak Kalusugan Partylist Representative Michael “Mike” Defensor na 14% lang sa nasabing survey.

Base sa resulta ng survey, nagtitiwala ang mga taga-QC na maayos na naitataguyod ni Belmonte ang kanyang mga adhikain para makalikha ng mga programa na magbebenepisyo sa mga taga-lungsod.

JOY BELMONTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with