^

Metro

5,000 pampasabog nadiskubre sa Quezon City, Bulacan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa mahigit 5,000 mga pampasabog at personal effects ang nakuha ng mga tauhan ng Philippine National Police-National Capital Region Office at militar mula sa anim na naaresto sa ginawang pagsalakay sa Quezon City at Bulacan.

Tumanggi muna si Philippine National Police (PNP) chief Police General Guillermo Lorenzo Eleazar na ibunyag ang pangalan ng  anim naaresto  habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG). Nakikipag-ug­nayan na ang CIDG sa Armed Forces of the Philippines  (AFP) hinggil dito.

“Sa ating patuloy na kampanya laban sa loose firearms upang matiyak ang maayos at tahimik na Halalan 2022, nalansag natin ang isang gun-running syndicate sa dala-wang magkasunod na ope­rasyon ng inyong PNP at AFP sa Bula­can at Quezon City,” ani Elea­zar.

Nasundan ito ng  pagsalakay sa warehouse sa Sta. Maria, Bulacan kung saan nadiskubre ang iba’t ibang matataas ding kalibre ng baril. Nakuha rin sa isa pang operasyon sa Bulacan ang  reassembled cal. 5.56 rifle, assorted ammunition, pistols, at mga  firearm parts para sa pagbuo ng  mga baril.

Giit ni Eleazar,  napi­gilan ng police ope­ration ang posibleng benta-han ng mga baril sa private goons sa iba’t ibang bahagi ng  bansa partikular sa  Mindanao.

Pinaiigting pa ni   Elea­zar sa kanyang  mga tauhan ang intelligence gathering upang  malaman ang mga posibleng warehouses na ginagamit bilang storage ng mga baril.

Una nang  inatasan ni Eleazar ang lahat ng mga police commanders na tiyakin ang  seguridad sa kani-kanilang nasasakupan bilang paghahanda  sa  election sa susunod na taon.

 

EXPLOSIVES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with