Quezon City LGU sasaklolo sa NKTI
MANILA, Philippines — Umayuda ang Quezon City government sa problema ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) hinggil sa pagsisikip ng pasyente na may COVID sa naturang ospital.
Ito ay makaraang big-yan ng QC LGU ang NKTI ng tatlong container vans na gagawing extension ng operating room at X-ray room ng ospital.
Dahil sa patuloy na pagdami ng bilang ng mga pasyente na kailangan ng atensyong medikal dahil sa COVID-19, inanunsyo ng lokal na pamahalaan na isinasaayos na ang nabanggit na mga container van para mai-convert na OR at X-ray room extension ng NKTI.
Nitong nagdaang August 8, inanunsyo ng NKTI na lumampas na sa full capacity ang kanilang mga hospital beds dahil sa pagtaas ng dinadalang kaso ng Covid-19 sa ospital.
Nangako naman ang lokal na pamahalaan na patuloy silang aalalay sa mga ospital sa gitna ng nagpapatuloy na nararanasang pandemya sa bansa partikular sa Metro Manila.
- Latest