^

Metro

Navotas itinigil ang bakunahan sa 2 vaccination site

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

Dahil sa kakulangan sa health personnel

MANILA, Philippines — Dala ng kakulangan sa health personnel sa isolation facility, pansamantalang ipinatigil ni  Navotas City Mayor Toby Tiangco ang bakunahan sa  dalawang vaccination site sa lungsod.

Nasa 1,000 doses din ang ibinaba sa daily target ng lungsod ngayong linggo dahil na rin sa pangangailangan ng frontliners para maserbisyuhan ang mga nasa quarantine facilities.

Kaugnay nito,  nangangailangan ng mga health worker para imonitor ang mga naka-home quarantine kaya natigil din pansamantala ang house-to-house vaccination para sa mga bedridden na pasyente. Aniya,  tumitindi ang household transmission kaya ipinatutupad ng  Navotas LGU ang  residential lockdown.

 Samantala, sa halip na metro-wide ECQ, sinabi ni  Tiangco na mas pabor siya sa pagpapatupad ng granular lockdown o ECQ na lamang sa mga lugar, barangay o kalsada na may mataas na kaso ng COVID-19.

Aniya, tumaas naman ang compliance ng mga taga-Navotas pagdating sa pagsusuot ng face mask.

Kung walang face mask, maaaring mag-TXT JRT at ilagay ang pangalan, address at contact details. Magpapack ang DRRMO ng mask at magre-reply ang ating Action Center kung kailan ito naide-deliver ng inyong barangay. 

 

TOBY TIANGCO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with