^

Metro

Kontrobersiyal na Tsinoy na nagwala at nanagasa, nakalaya na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakalaya na ang kontrobersiyal na Tsinoy na sinasabing hindi nagbayad ng hotel bills, nagwala at nanagasa pa ng mga sasakyan ng mga pulis,  kamakailan sa Quezon City.

Sinabi ni  Col. Alex Alberto, hepe ng QCPD Station 10, nakalaya ang negosyanteng si Arvin Tan, matapos na ring bayaran ang lahat ng kanyang mga atraso at maglagak ng piyansa.

Si Tan ay sinampahan ng kasong paglabag Anti-Drunk Driving Law, damage to property, resisting arrest, disobe­dience to a person of authority at estafa.

Sinasabing agad din nabayaran ni Tan ang mga danyos o pinsala sa mga sasakyan na kanyang nabangga kabilang ang ilang patrol car ng QCPD. Kinausap na rin umano  ng kampo ni Tan ang babaeng hindi umano nito nabayaran at sinasabing nagkasundo na.

Naniniwala naman si Col. alberto na tuluyang makakansela ang drivers license ni Tan matapos na rin itong magpositibo sa drug test at ang masamang inasal nito sa kalsada

Ani Col. Alberto, hawak pa rin nila ang lisensya ni Tan upang masiguro na hindi ito makapagmamaneho habang hinihintay ang pinal na desisyon ng LTO.

Si Tan ay nagwala rin sa lobby ng Manila Police District (MPD) noong kasagsagan ng imbestigasyon sa hazing kay Horacio Castillo III.

ARVIN TAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with