^

Metro

Panuntunan ng SC sa body cam, paiiralin ng PNP

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Philippine National  Police (PNP) na paiiralin  nila ang  panuntunan na inilabas  ng  Korte Suprema para sa paggamit ng body-worn cameras o alternative recording devices (ARD)

Ang paniniyak ay ginawa ni  PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, matapos na obligado nang gamitin ng mga pulis ang mga body-worn cameras o alternative recording devices (ARD).

Ayon kay Eleazar, naglabas ng Memorandum ang Directorate for Operations (DO) nitong Lunes, August 2 na nagsasaad ng ge­neral protocols sa paggamit ng mga BWCs o ARDs sa pagsisilbi ng search warrant gayundin ng warrant of arrests.

Ang Memorandum ay ipinalabas para sa mga Regional Police Directors at National Operational Support Unit Directors para sa mahigpit na pagpapatupad  ng mga batas.

Ngayong malinaw na ang alituntunin mula sa Korte Suprema sa paggamit ng body-worn ca­meras, sinabi ni Eleazar na umaasa  silang unti-unti na ring malilinis ang imahe ng pulis at mas magiging maayos ang pagseserbisyo ng  mga pulis.

Nakasaad sa memorandum na hindi maaaring patayin anumang oras ang BWCs habang isinisilbi ang search at arrest warrant.

Sa kaso naman ng warrantless arrest, gagamitin pa rin ang mga BWC o ARD basta’t nasusunod ang panuntunan.

Samantala, binigyang-diin ni PNP Chief na malapit nang matapos at maipamahagi ang kanilang Enhanced Operational Guidelines and Policies sa paggamit ng BWCs at ARDs sa lahat ng tanggapan ng pulisya.

Ito’y hindi lamang umano para sa proteksyon ng mga karapatan ng mga kababa­yan natin kundi proteksyon din ng kanilang hanay laban sa mga maling haka-haka at alegasyon sa isinasagawa sa kanilang operasyon.

DO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with