^

Metro

Antas ng tubig sa Marikina River, biglang tumaas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Kahit walang malakas na pag-ulan

MANILA, Philippines — Nabulaga ang mga residente ng Marikina City matapos na biglaang tumaas ang antas ng tubig sa Marikina River kahapon ng umaga, kahit wala namang naganap na malalakas na pag-ulan sa nakalipas na magdamag.

Ayon sa Marikina Public Information Office (PIO), mada­ling araw pa lamang ay nagsimula nang tumaas ang antas ng tubig sa ilog.

Nabatid na pagsapit ng alas-5:13 ng madaling araw ay umabot na ang water level sa 15.5 metro, kaya’t itinaas ang unang alarma, habang bukas din ang walong gate ng Manggahan Floodway.

Pagsapit naman ng alas-6:00 ng umaga ay umabot pa ito ng 15.7 metro at 15.8 metro naman, pagsapit ng alas-7:00 ng umaga.

Anang mga residente, posible umanong nagmula ang tubig mula sa mataas na bahagi ng Montalban, Rizal.

Ayon pa sa mga residente, ambon-ambon lamang ang naranasan nila sa nakalipas na magdamag kaya’t nagulat sila nang tumaas ang tubig pagsapit ng umaga.

Nasa limang sasakyan pa ang nalubog at inanod ng tubig matapos na hindi kaagad na maialis ng mga may-ari nito sa gilid ng ilog kung saan nila ito ipinarada.

Nang bahagyang humupa ang tubig ay saka lamang natalian at naiahon ang mga sasakyan.

Hindi naman na umabot ng ikalawang alarma ang antas ng tubig sa ilog, dahil nagsimula na itong unti-unting bumaba at pagsapit ng alas-10:25 ng umaga ay umabot na lamang ito sa 14.9 metro o normal na antas, kaya’t tuluyan na ring inalis ang alarma nito.

Sa ilalim ng Marikina Alarm System, ang unang alarma (15 metro) ay nabibigay ng babala sa mga residente; ang ikalawang alarma (16 metro) ay nag-aatas sa mga residente na maghanda sa posibleng paglikas, habang ang ikatlong alarma (17 metro) ay nangangahulugan namang kailangan nang lumikas ang mga residente.

 

MARIKINA RIVER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with