Mas mahigpit na protocols, inirekomenda ng Metro Manila mayors
MANILA, Philippines — Mas mahigpit na protocols ang inirekomenda ng mga alkalde ng Metro Manila sa Inter-Agency Task Force (IATF) sa gitna ng banta ng mas nakakahawang Delta variant, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority chairman Benhur Abalos.
Una aniya nilang napag-usapan nitong nakalipas na Huwebes ang patakaran sa pagpapahintulot na makalabas na ng bahay ang mga batang may edad-5 pataas sa mga open parks subalit nasorpresa sila sa bagong development sa Delta variants.
Ito’y matapos na kumpirmahin na ng Department of Health (DOH) na may local transmission na ng Delta variant.
Ani Abalos, marapat lang naman na mas mahigpit at maghanda ang mga alkalde sa Metro Manila sa posibleng pagtaas pa ng mga kaso ng Delta variant.
May nakahanda na aniyang, 5,775 contact tracers at testing kits at maging ang isolation centers.
“Our isolation centers are about 83, 46 of which are being used right now in different LGUs. Isolation centers are schools and qua-rantine facilities, and 37 emergency, they’re just there, they’re functional. Aside from that, Oplan Kalinga of OCD is also there,” aniya.
Nakabantay din ang Metro mayors sa posi-bilidad na magkaroon ng clustering of cases.
Kung magkakaro-on aniya, ng clustering, dapat na magkaroon ng granular lockdown, mawala kaagad ang apektado ng virus sa isolation. Walang papayagang mag-home quarantine.
Ipinaliwanag niya ang kahalagahan ng agarang, tracing at isolation upang maiwasan ang pagkalat ng impeksiyon.
- Latest