^

Metro

10 arestado sa drug ops sa Valenzuela

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
10 arestado sa drug ops sa Valenzuela
Batay sa report na tinanggap ni Valenzuela police chief Col. Ram-chrisen Haveria Jr, dakong alas-5 ng madaling araw kahapon nang respondehan ng Station Drug Enforcement Unit ang tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap na pot-session sa Block 4 Lot 4 De Gula Compound, Brgy. Gen. T De Leon na nagresulta sa pagkakaaresto kina Resty Quintana, 39, Francisco Vasquez, 37, Mark Joseph Boleche, 24, Romeo Gonzales, 61, Edward Billones, 39, at Julius Buezon, 34, matapos maaktuhang su-misinghot ng shabu.
STAR/File

MANILA, Philippines — Arestado ang 10 katao na sangkot sa ipinagbabawal na droga sa isinagawang magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa Valenzuela city.

Batay sa report na tinanggap ni Valenzuela police chief Col. Ram-chrisen Haveria Jr, dakong alas-5 ng madaling araw kahapon nang respondehan ng Station Drug Enforcement Unit ang tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap na pot-session sa Block 4 Lot 4 De Gula Compound, Brgy. Gen. T De Leon na nagresulta sa pagkakaaresto kina Resty Quintana, 39, Francisco Vasquez, 37, Mark Joseph Boleche, 24, Romeo Gonzales, 61, Edward Billones, 39, at Julius Buezon, 34, matapos maaktuhang su-misinghot ng shabu.

Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang plastic sachets ng hinihinalang shabu, 2 unsealed plastic sachets na may bahid ng umano’y shabu, cellphone, coin purse at ilang drug paraphernalia.

Nauna rito, dakong alas-10 kamakalawa ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng buy-bust ope­ration sa Feliciano St., Brgy. Ugong na nagresulta sa pagkakaaresto kay Guillen Dela Cruz, 27, at Larry Caridad, 43.

Kasama ring dinakip ng mga operatiba si Reynaldo Fulgencio Jr, 45, at Axel Jax Fernando, 30, agent, matapos makuhanan ng tig-isang plastic sachets ng hinihinalang shabu.

Narekober sa mga suspek ang humigi’t kumulang sa 15 grams ng hinihina­lang shabu na may standard drug price P102,000, buy bust money na isang tunay na P500 bill at 8 pirasong P1,000 boodle money, P700 cash, 3 cellphones at motorsiklo.

DRUG OPERATIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with