Ikalawang sewage treatment plant, itatayo
MANILA, Philippines — Nakatakdang itayo ng pamahalaan ang ikalawang sewage treatment plant (STP) at wastewater interceptor sa Pasay City na layong salain at linisin ang tubig na dumidiretso sa Manila Bay.
Pinangunahan kahapon nina Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos at Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu ang STP, na itatayo sa loob ng apat na buwan sa tabi ng Libertad Pumping Station.
Ito ang ikalawang STP na ang una ay ang nakatayo sa Roxas Boulevard nitong nakaraang taon.
Nagdulot na ito ng pagtatala ng 1.8 mpn (most probable number) per 100ml. na kalidad ng tubig sa Baywalk Area.
“This level is most certainly within the fecal coliform standard of 200 mpn per 100 ml,” ayon kay Cimatu.
“With this STP, no untreated waste water from Tripa De Gallina and Li-bertad Pumping Station will flow into the Manila Bay,” dagdag pa niya.
Nabatid na ang DENR ang magpopondo sa pagtatayo ng istruktura habang ang MMDA naman ang mamamahala sa maintenance at operasyon nito.
Sinabi ni Abalos na ang Libertad Sewage Treatment Plant ang isa sa solusyon ng pamahalaan bilang bahagi ng paglilinis sa Manila Bay at pataasin ang kalidad ng tubig nito.
- Latest