^

Metro

Metro Manila mayors magpupulong sa patakarang pagpapalabas sa 5-anyos pataas

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Metro Manila mayors magpupulong sa patakarang pagpapalabas sa 5-anyos pataas
Samantala, binanggit din naman ni Cabinet Secretary at IATF co-chairperson Jarlo Nograles na may kapangyarihan din ang LGUs na itaas ang age requiement, kung hindi sila pabor sa requirement na itinakda na IATF na 5-anyos pataas.
AFP/Ted Aljibe, File

MANILA, Philippines — Nakatakdang magpulong ngayong araw ang mga alkalde sa Metro Manila para talakayin ang bagong patakaran ng pamahalaan sa pagpayag sa pagpapalabas sa mga batang 5-anyos pataas sa mga lugar na nasa ge­neral community quarantine (GCQ) at  modified ge­neral community quaratine (MGCQ).

Ayon kay Metropolitan Manila Development Auhtority (MMDA) chairman Benhur Abalos na ang mga local governmet units (LGUs) ay maaaring magdesisyon kung paano ipatutupad ang policy depende sa kani-kanilang mga lugar.

Samantala, binanggit din naman ni Cabinet Secretary at IATF co-chairperson Jarlo Nograles na may kapangyarihan  din ang LGUs na itaas ang age requiement, kung hindi sila pabor sa requirement na itinakda na IATF na 5-anyos pataas.

Nauna nang inanunsyo ng Malacañang noong Biyernes  ang pagpayag ng IATF na makalabas na ang 5-anyos pataas sa GCQ at MGCQ areas.

Gayunman, bawal pa rin sila sa mga malls. Kailangan din na matiyak na nasusunod ang ipinaiiral na health protocols.

Kinonsidera ng IATF sa pagpayag  ang mental health ng mga bata na sa matagal na panahon ay nakulong sa loob ng kanilang mga bahay.

MGCQ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with