^

Metro

Toll rates para sa Skyway 3, inilabas na ng TRB

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nag-isyu na ng aprubadong toll rates ang Toll Regulatory Board (TRB) na sisingilin sa mga motorista na gagamit ng Skyway Stage 3 elevated expressway.

Kasunod ito ng anunsiyo ng San Miguel Corporation (SMC) na simula sa Hulyo 12 ay magsisimula na silang maningil ng toll fee para sa Skyway 3.

Ayon kay TRB spokesperson Julius Corpus, alinsunod sa aprubadong toll rates, maaaring maningil ang SMC Infrastructure ng P264 mula Buendia hanggang Balintawak; P105 naman mula sa Buendia hanggang Sta. Mesa; P30 mula Sta. Mesa hanggang Ramon Magsaysay at P129 mula Ramon Magsaysay hanggang Ba­lintawak.

Matatandaang katapusan pa ng Disyembre, 2020 nang buksan ng SMC ang Skyway 3 sa mga motorista ngunit libre muna itong ipinapagamit sa ngayon.

Sinabi naman na ng SMC na ang sisingilin nilang toll fee ay gagamitin nila para sa episyenteng operasyon at maintenance ng elevated expressway.

Ang naturang 18-kilome­trong Skyway 3 project, na may layuning paluwagin ang daloy ng trapiko sa EDSA, ang siyang nagdudugtong sa South Luzon Expressway (SLEX) at North Luzon Expressway (NLEX).

Sa tulong ng proyekto, nabawasan ang travel time mula Alabang hanggang Balintawak ng hanggang 30 minuto na lamang mula sa dating tatlong oras.

TRB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with