^

Metro

Phivolcs kumambiyo sa usok sa Metro Manila, galing nga raw sa bulkang Taal

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Phivolcs kumambiyo sa usok sa Metro Manila, galing nga raw sa bulkang Taal
Ito kahapon ang ginawang paglilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nang magsagawa ng pag-aaral gamit ang Ozone Mapping Instrument ng NASA at dito natukoy na nagbuga ng sulfur dioxide ang Taal Volcano sa loob ng nakalipas na dalawang araw.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Bukod sa Metro Manila ay nakarating hanggang Central Luzon partikular na sa mga lalawigan ng Bataan, Zambales, Bulacan, Pampanga, Batangas, Laguna, Cavite hanggang Rizal ang ibinugang asupre o gas air pollutant  mula sa bunganga ng Bulkang Taal sa Batangas.

Ito kahapon ang ginawang paglilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nang magsagawa ng pag-aaral gamit ang Ozone Mapping Instrument ng NASA at dito natukoy na nagbuga ng  sulfur dioxide ang Taal Volcano sa loob ng nakalipas na dalawang araw.

Unang sinabi ng Phivolcs kamakalawa na hindi galing sa Bulkang Taal ang naranasang pagdilim ng kalangitan sa Metro Manila kundi  mula sa polusyon mula sa usok ng sasakyan at pabrika ang smog o maruming hangin na napadpad sa Metro Manila hanggang noong Martes dahil sa   kakulangan pa nila ng magagamit na ebidensya.

Pero nang gumamit na ng instrumento ang Phivolcs  ay natukoy na asupre nga ang napadpad  sa malaking bahagi ng Luzon kasama ang Metro Manila dala ng hangin mula sa Taal volcano nang magdilim ang naturang lugar.

Sa pagtaya ng Phivolcs, aabot sa 14,326 tonelada kada araw ang inilabas na asupre ng  Taal Volcano. Sa nakalipas na magdamag ay nakapagtala ang Phivolcs ng  anim na volcanic earthquake o pagyanig ng lupa sa palibot ng nasabing bulkan.

HAZE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with