^

Metro

Kontrata ng Zuellig Pharma’s EzConsult sa Quezon City LGU, tuluyang kinansela

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Kontrata ng Zuellig Pharma’s EzConsult sa Quezon City LGU, tuluyang kinansela
“We have already given Zuellig ample time to improve their system upon their request and yet their system has crashed again for the 9th time. We don’t want to cause undue stress to our constituents who only want to register for vaccination,” pahayag ni QC Mayor Joy Belmonte .
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Tuluyan nang kinansela   ng  Quezon City government  ang kontrata nito sa Zuellig Pharma Corporation’s booking services, EzConsult makaraang magkaroon na naman ng aberya sa pagrerehistro ang mga taga-lungsod  para sa pagbabakuna.

“We have already given Zuellig ample time to improve their system upon their request and yet their system has crashed again for the 9th time. We don’t want to cause undue stress to our constituents who only want to register for vaccination,” pahayag ni QC Mayor Joy Belmonte .

Una nang nagbigay ng ultimatum ang lokal na pamahalaan na kanilang kakanselahin ang kontrata sa  Zuellig  oras na hindi maayos ang sistema at papalpak ulit sa pagrerehistro ng mga botante para sa pagpapabakuna. Martes ay nagkaroon na naman ng technical difficulties ang operasyon ng EzConsult dahilan para magdesisyon ang lokal na pamahalaan na ihinto ang kontrata rito.

Sinasabing noong  maibalik  ng Zuellig ang kanilang sistema makaraang  makapag- upgrade ay   dapat makapag-accommodate sila ng hanggang  50,000 users  pero ang nangyari  ay nasira ulit ito  kayat hindi na nakatanggap pa ng mga bagong slot para sa mga magpapabakuna.

“ Imbes na mapadali, napabagal pa ang ating registration process. Ang nakakalungkot, taumbayan ang nagdusa, at nawalang saysay ang pagsisikap ng ating mga medical frontliners at volunteers na ilang buwan nang nagsasakripisyo para mapabilis ang ating vaccination process,” paliwanag ni  Mayor Belmonte.

“The Information Techno­logy portion of the Service Agreement with the city go­vernment will be terminated and damages will be claimed against Zuellig because of the delays, inconvenience and frustration that our QCitizens have experienced,” ayon kay City Atty. Orlando  Casimiro.

Mula  March 27, 2021, ang EzConsult ay sinasabing pala­ging nagkakaaberya sa pag­rerehistro ng mga taga-QC na nais pabakuna dahilan para ma-delay  ang adhikain ng vaccination program ng QC .

“We are filing appropriate charges against them through our Legal Department. We are doing this for the interest of our QCitizens and to protect their rights,” dagdag pa ni Mayor Belmonte.Nanawagan din si Belmonte  sa mga taga QC na dumanas ng hirap sa pagrere­histro para makakuha ng  slot sa bakuna sa   EzConsult website na magrehostro na lamang sa city government-assisted QC Vax Easy portal https://qceservices.quezoncity.gov.ph/qcvaxeasy.

ZUELLIG PHARMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with