Quezon City nagbukas ng bagong vaccine registration portal
MANILA, Philippines — Upang maerehis-tro ang tumataas na bilang ng mga nais magpabakuna, nag-lunsad kahapon ang Quezon City government ng bagong vaccine registration portal.
Ang QC Vax Easy ay aasiste sa registration system para ayudahan ang kasalukuyang registration process para sa QCProtektodo Vaccina-tion Program.
Kailangan lamang ng registrants na sagutan ang form sa link: https://qceservices.quezoncity.gov.ph/qcvaxeasy
Ayon kay QC Administrator Michael Alimurung na mala-king tulong ito para malutas ang problema ng ilang residente na nagkakaproblema sa pagrerehistro para mabakunahan.
“In light of the va-rious difficulties that our people are experiencing in the bara-ngay-assisted booking and online booking, this QC Vax Easy portal will aid us in registering QC residents and workers into the vaccination program,” pahayag ni Alimurung.
Ang QC Vax Easy ay nagsasagawa ng first-in, first-out registration na ang mga naunang magparehistro ay unang bibigyan ng araw para mabakunahan.
Sinasabing ang QC Vax Easy ay dagdag na mode sa kasaluku-yang registration processes na ginagawa ng third-party partner na eZconsult.
“Pending another round of online booking to test eZconsult’s system upgrade, we are offering QC Vax Easy as an option. With this new registration system, we are reducing the difficulty of manually booking your slots. Just register and wait for the city government to contact you for your schedule,” pahayag naman ni QC Mayor Joy Belmonte.
Dalhin lamang proof of residence o employment sa Quezon City sa pagtungo sa naitalagang vaccination sites sa lungsod.
- Latest