^

Metro

'Walk-in' COVID-19 vaccinations sa Maynila ibinalik; nagpapaturok kaonti kasi

Philstar.com
'Walk-in' COVID-19 vaccinations sa Maynila ibinalik; nagpapaturok kaonti kasi
Kita sa litraong ito ang baba ng COVID-19 vaccination turn-out matapos ngayong 11 a.m. ng Lunes nang simulan ng Lungsod ng Manila ang "no walk-in" policy nito
Manila Public Information Office

MANILA, Philippines — Dahil sa maliit na turn-out ng mga nagpapabakunang rehistrado laban sa coronavirus disease (COVID-19) sa Lungsod ng Maynila, pinahihintulutan na ang walk-in immunization sa lahat ng kanilang vaccination sites.

Nasa 4,800 lang kasi sa 28,000 scheduled COVID-19 vaccinations ngayong araw sa Manila ang dumating, ani Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso, Lunes. 

"Manila City Mayor Isko Moreno allows walk-in clients in all vaccination sites following low vaccination turnout. Directive was issued at around 4:30 pm today," ayon sa paskil ng Manila Public Information Office kanina sa Facebook.

Linggo lang nang sabihin ng MPIO na hindi tatanggap ng walk-in clients ang Manila local government unit. Aniya, tanging ang mga ite-text lang ng Manila CoVax SMS ang ie-entertain ng pamahalaang lungsod.

Kita sa larawang ito kaninang umaga ang kakarampot na sumipot sa mga bakunahan, dahilan para maging bakante ang maraming upuan na gagamitin sana ng mga magpapaturok.

 

 

 

"Ayaw ko na ipenalize ang tao [na hindi dumarating], gusto ko unawaan na lang may mga kanya kanya dahilan and most of them economic reasons , let US just accomodate everyone, we need your support," patuloy ni Domagoso sa media.

Nakakapanghinayang din daw dahil na maraming hindi sumisipot sa mga tinext ng Manila LGU, pero marami rin ang mga nagbabakasakaling mababakunahan kahit hindi naka-schedule.

Ayon kay Julius Leonen, hepe ng MPIO, umabot sa 2,000 katao ang nabakunahan agad laban sa COVID-19 "in less than one hour" matapos ianunsyo ni Domagoso ang kautusan.

Una nang sinabi ng Department of Health na dapat limitahan ang bilang ng walk-ins sa mga COVID-19 vaccination centers, lalo na't pinagmumulan daw kasi ito ng kumpulan ng tao — bagay na pwede pang pagmulan ng hawaan ng virus.

Dati na ring ipinag-utos ng DOH na 'wag ianunsyo ng mga LGU sa publiko ang brand ng COVID-19 vaccine sa labas ng immunization sites para na rin maiwasan ang siksikan ng tao.

Umabot na sa 1,364,239 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa huling taya ng DOH nitong araw. Sa bilang na 'yan, patay na ang 23,749 katao. — James Relativo

COVID-19 VACCINATION

FRANCISCO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with