Maynilad nagkaloob ng hygiene kits sa Brigada Eskuwela 2021
MANILA, Philippines — Nagbigay ang West Zone concessionaire Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) ng cleaning at hygiene supplies at face masks sa 70 public schools sa Metro Manila at lalawigan ng Cavite bilang suporta sa Brigada Eskwela 2021 program ng Department of Education (DepEd).
Kabilang sa mga naipamahagi ng Maynilad ay mga liquid hand soaps, disinfectants at repurposed buckets para sa DepEd Schools Division Office sa Las Piñas City.
Bukod sa pamamahagi ng 1,400 one-gallon botelya ng liquid hand soaps at disinfectants, at ng 800 buckets sa iba’t ibang paaralan, nagkaloob ang Maynilad ng 4,600 washable face masks para gamitin ng mga guro at iba pang school personnel.
Ngayong taon, ang Maynilad ay nakapagpalagay ng 57 modular handwashing stations na health facilities sa mga paaralan na nasa West Zone area na nagsisilbing COVID-19 vaccination hubs.
Ang Maynilad ay aktibong katulong ng DepEd sa kanilang taunang Brigada Eskwela program sa loob ng 12 taon na ngayon.
Sa pamamagitan ng sariling ginhaW.A.S.H.(water, sanitation, health) program, nagkaloob ang Maynilad ng drink-wash stations at refurbishes water at sanitation facilities sa mga paaralan para mai- promote ang good health at proper hygiene na nagbenepisyo sa may mahigit 142,000 mag- aaral sa 491 paaralan mula noong 2008.
- Latest