DPWH magsasagawa ng road re-blocking
MANILA, Philippines — Sinimulan kagabi ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagsasagawa ng road reblocking na magtatapos hanggang Hunyo 7, 2021.
Kabilang sa apektadongkalye sa reblocking at repairs simula alas-11:00 kagabi sa EDSA malapit sa Kai-ngin Road sa Quezon City (northbound); sa C-5, paglagpas ng Rajah Matanda (3rd lane mula sa sidewalk) paglagpas ng Highland Drive (2nd lane mula sa sidewalk); at paglagpas ng Shuster St. (2nd lane mula sa sidewalk)
Lahat ng apektadong daan ay magiging fully passable mula alas-5:00 ng madaling araw sa Lunes.
Dahil dito, pinapayuhan ang mga motorista na iwasan ang mga nasabing lugar at sa halip at gumamit ng mga alternatibong ruta.
- Latest