^

Metro

Maynilad gagamit ng green energy: Solar panel inilatag sa La Mesa pumping station

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Maynilad gagamit ng green energy: Solar panel inilatag sa La Mesa pumping station
Ang P100 million solar power farm na may lawak na 8,250 sq.m. ay itinayo para punan ang power supply para sa Maynilad’s La Mesa Pumping Station at mabawasan ang pagdepende ng kuryente sa grid at sa fossil fuels.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Gagamit ng green ­energy ang West Zone concessionaire Maynilad Water Services, Inc.  Para higit na mapabuti ang operasyon  sa pamamagitan ng bagong itinayong  1-megawatt PV (photovoltaic) solar power farm sa loob ng La Mesa Compound sa ­Quezon City.

Ang P100 million solar power farm na may lawak na  8,250 sq.m. ay itinayo para  punan ang  power supply  para sa  Maynilad’s La Mesa Pumping Station at mabawasan ang pagdepende ng kuryente sa grid at sa  fossil fuels.

Ang Solar farm na maaaring tumagal ng 40 taon o higit pa ay inaasahang magbibigay ng 10% ng annual cost savings  sa paggamit ng kuryente na nagpapatakbo sa La Mesa Pumping Station. Ito ay  24/7  ang operasyon na may malaking tulong para mapahusay pa ang pagsusuplay ng tubig na magmumula sa treatment plants puntang mga  reservoirs saka dadalhin sa mga  customers.

Ang pagtatayo ng  solar farm  ay isang major milestone ng  Maynilad upang maipagpatuloy ang mahusay na operasyon at mai-promote ang environmental sustainability.

“We operate a lot of facilities to ensure non-stop delivery of water and wastewater services. This new solar farm provides a renewable energy source that will enable us to generate energy savings and also decrease our greenhouse gas emissions,” pahayag ni Maynilad President at CEO Ramoncito S. Fernandez.

WEST ZONE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with