Quezon City at ACT-CIS Partylist kapit-bisig sa pagpapalakas sa vaccination program sa lungsod
MANILA, Philippines — Nagkasundo ang QC Government at ang Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support (ACT-CIS) Partylist na palakasin pa ang vaccination drive sa lunsod.
Ito ay makaraang lumagda sa isang memorandum of agreement ang ACT-CIS partylist kasama ang radio broadcasters Raffy at Erwin Tulfo sa pagitan ng lokal na pamahalaan na palakasin pa ang vaccination program sa lungsod sa pamamagitan ng paglalaan ng dagdag na medical teams sa vaccination centers sa ilalim ng “Bayanihan sa Turukan.”
“Since last year, we have received a myriad of support from different organizations and have established the whole-of-city approach in addressing the COVID-19 pandemic. The doctors and nurses from ACT-CIS will greatly support four of our sites, and accommodate more QCitizens in the process,” pahayag ni Mayor Joy Belmonte .
“Ito po ay aming kontribusyon sa hangarin ng ating pamahalaan na mabakunahan ang lahat sa lalong madaling panahon. Kailangan po tayong magtulung-tulong. Hindi natin matatalo ang virus kung hindi natin susuportahan ang mga ginagawang hakbang ng pamahalaan,” sabi ni ACT-CIS Chair Erwin Tulfo.
Mula May 19, ang lokal na pamahalaan ay nangasiwa na sa kabuuang 272,046 doses sa mga taga-QC at mga manggagawa o may 204,394 para sa first dose at dagdag na 67, 652 para sa second dose.
Ibat- ibang private sektor na ang nagbukas ng pintuan para makatulong sa hangarin ng QC government na mabakunahan ang may 1.6 million katao sa loob ng anim hanggang walong buwan.
- Latest