^

Metro

Truck ban balik muli sa GCQ

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Truck ban balik muli sa GCQ
Uumpisahang ipa­tupad ang truck ban sa Mayo 17 kung saan iiral na muli ang GCQ hindi lang sa Metro Manila at sa lalawigan ng Rizal, Cavite, Laguna at Bulacan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Ipatutupad muli ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang truck ban sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila makaraang muling ilagay ito sa general community quarantine (GCQ).  

Uumpisahang ipa­tupad ang truck ban sa Mayo 17 kung saan iiral na muli ang GCQ hindi lang sa Metro Manila at sa lalawigan ng Rizal, Cavite, Laguna at Bulacan.

Sa umiiral na truck ban policy ng MMDA, bawal dumaan ang mga truck sa mga pangu­nahing kalsada mula alas-6 ng umaga hanggang alas-10 ng umaga at alas-5 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi tuwing Lunes hanggang Sabado.

Nagpapatupad naman ng total truck ban ang ahensya sa EDSA mula Magallanes Inter­change sa Makati City hanggang sa North  Ave­nue sa Quezon City.

Hindi naman kasama sa truck ban policy ang mga may dalang ‘perishable at agricultural food products’.

TRUCK BAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with