^

Metro

Sandra Cam, 6 pa ipinaaaresto ng korte

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Sandra Cam, 6 pa ipinaaaresto ng korte
Nabatid na Lunes nang mag-isyu ng arrest warrant si Manila RTC Branch 42 Judge Dinnah Aguila-Topacio laban kay Sandra Cam, anak niyang si Marco Martin Cam, Nelson Cambaya, Junel Gomez, Bradford Solis, Juanito De Luna, at Rigor dela Cruz.
The STAR/Geremy Pintolo, file

Sa pagpaslang sa bise alkalde sa Masbate

MANILA, Philippines — Naglabas ng warrant of arrest ang isang huwes ng Manila City Regional Trial Court laban kay Philippine Charity Sweepstakes Office board member Sandra Cam at anim na iba pa kabilang ang kaniyang anak dahil sa kinakaharap na kasong pagpaslang sa bise-alkalde ng Masbate noong 2019.

Nabatid na  Lunes nang mag-isyu  ng arrest warrant si Manila RTC Branch 42 Judge Dinnah Aguila-Topacio laban kay Cam, anak niyang si Marco Martin Cam, Nelson Cambaya, Junel Gomez, Bradford Solis, Juanito De Luna, at Rigor dela Cruz.

Nahaharap sila sa kasong murder kaugnay sa kasong pagpaslang kay Batuan, Masbate Vice-Mayor Charlie Yuson III at frustrated murder kay Alberto Alforte IV na pinaulanan ng bala habang nag-aalmusal sa may Sampaloc, Maynila noong Oktubre 9, 2019.

Walang inirekomendang piyansa sa kasong murder habang itinakda sa P200,000 bawat isa ang piyansa sa kasong frustrated murder.

Nabatid na si Yuson ang tumalo kay Marco Martin Cam sa halalan noong 2019. Itinuro naman ng misis ni Yuson na si Lalaine si Cam na siyang utak ng pagpaslang dahil umano sa politika. Sinabi ng misis na unang nakita ang mga gunmen sa resort ni Cam sa Masbate.

Itinanggi naman ni Cam ang lahat ng akusasyon laban sa kaniya.

SANDRA CAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with