P65 milyon inilabas para sa 1K contact tracers sa NCR
MANILA, Philippines — Nagpalabas ng dagdag na P65 milyong pondo ang Department of Labor and Employment (DOLE) para makapag-hire ng karagdagang 1,000 contact tracers ang mga lokal na pamahalaan partikular sa National Capital Region (NCR).
“The local governments through their respective Public Employment Service Offices (PESO) can boost their contact tracing with the additional funding for 1,000 more contact tracers,” pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello.
Manggagaling ang pondo sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged / Displaced Workers (TUPAD) program, na naglabas na ng kabuuang P295 million para tustusan ang halos 6,000 contact tracers.
Ang TUPAD ay ang programa ng DOLE para mabigyan ng pansamantalang trabaho ang mga nasa informal sector na nawalan ng pagkakakitaan ngayong pandemya.
Nitong Abril 22, nasa higit 10,000 aplikasyon na para sa contact tracers ang natanggap ng mga lokal na pamahalaan.
“Since the DILG has problems funding the contact tracing of LGUs, I thought it wise to offer our TUPAD program for that purpose. In this manner, we are not only providing emergency employment to our displaced workers but also helping the urgent need of the community to stop the spread of the disease through contact tracing,” ayon kay Bello.
- Latest