LRT-2, nag-‘Code Red’ dahil sa technical problem
MANILA, Philippines — May ilang oras ding natigil ang operasyon ng LRT-2 kahapon ng umaga matapos na dumanas ng problemang teknikal.
Sa isang tweet, sinabi ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na alas-7:53 ng umaga ng Martes, nang simulan nila ang pagpapatupad ng code red sa linya ng LRT-2.
Nangangahulugan anila ito na tigil muna ang kanilang operasyon at pagbebenta ng tiket.
Kaagad namang humingi ng paumanhin ang LRTA sa ‘inconvenience’ na idinulot ng naturang aberya.
Alas-10:39 na ng umaga nang alisin ng LRTA ang Code Red matapos na maibalik sa normal ang operasyon nito. Ang LRT-2 ang nag-uugnay sa Recto Station sa Maynila at sa Santolan, Pasig City.
- Latest