^

Metro

Mga dayuhang lumalabag sa quarantine rules, ipapa-deport

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Mga dayuhang lumalabag sa quarantine rules, ipapa-deport
Ani Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente, dapat na sumunod ang mga banyaga sa batas ng Pilipinas, at ang pagbabalewala sa mga panuntunan at sa mga awtoridad ay magiging dahilan para sa kanilang deportasyon.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Binalaan ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente ang mga dayuhan na ipatatapon pabalik ng kanilang bansa kung lalabag sa  mga panuntunang itinakda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) kaugnay sa quarantine period.

Ani Morente, dapat na sumunod ang mga banyaga sa batas ng Pilipinas, at ang pagbabalewala sa mga panuntunan at sa mga awtoridad ay magiging dahilan para sa kanilang deportasyon.

Matatandaang noong nakalipas na taon, isang Spanish national ang inilagay sa blacklist ng BI dahil sa umano’y  pambabastos sa mga tauhan ng Makati Police  at paglabag sa umiiral na enhanced community quarantine (ECQ).

Ang kawalang-galang sa persons of authority ay maikukonsiderang undesirable aliens.

“Foreign nationals who disrespect symbols of our country and persons of authority are not welcome in the Philippines,”ani Morente.

Nag-ugat ang babala dahil sa mga natatanggap na ulat na may mga foreign executives ng mga kompanya sa Pilipinas na lumalabag sa IATF protocols sa lugar ng trabaho.

“We will be conducting an investigation on these reports, and if found with merit, will file immigration cases against aliens involved,” ani Immigration Intelligence chief, Fortunato manahan Jr. Bukod pa aniya, ang immigration action sa kahaharaping kasong kriminal sa mga magkakasalang aliens.

AITF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with