COVID-19 vaccination program sa Navotas umarangkada na
MANILA, Philippines — Umaabot na sa 100 medical workers ang kabuuang naturukan ng Sinovac vaccine ng China, ayon sa opisyal kahapon.
Si Dr. Roan Salafranca, Navotas City Health (NCH) Chief of Clinics, ang unang nagpabakuna.
Tinanggap ng Navotas ang mga bakuna noong Huwebes at dinala sa cold room sa Navotas Polytechnic College kung saan ang pagbabakuna laban sa virus ay sinimulan naman nitong Biyernes.
“Tuwang-tuwa kami at nagpapasalamat na ang ilan sa aming mga frontliner ay natanggap na ang kanilang shot. Dahil dumarami ang mga kaso sa amin, inaasahan naming maglaan at magpadala ng maraming mga bakuna sa Navotas ang national government,” ani Mayor Toby Tiangco kaugnay ng patuloy na vaccination program sa kanilang lungsod.
“Bumili kami ng 100,000 doses ng bakunang British AstraZeneca, na inaasahang darating sa second half ng 2021. Habang hinihintay namin ang aming order, inaasahan naming makakatanggap kami ng higit pang mga bakuna mula sa national government upang maprotektahan ang aming halos 800 medical frontliner,” ayon sa alkalde.
- Latest