Lockdown sa Navotas pinalawig
MANILA, Philippines — Pinalawig pa ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang lockdown sa city hall at sa annex nito at sa iba pang tanggapan hanggang Marso 9.
Batay sa Executive Order No. TMT-019, nakasaad na kailangan na palawigin ito matapos na 63 katao pa ang nagpositibo sa.isinagawang mass testing.
“Para mapangalagaan ang kapakanan ng bawat empleyado at mga mamamayang pumupunta sa city hall, kinailangan pong habaan pa ang ating lockdown. Kung may urgent concerns man po sa alinmang tanggapan ng pamahalaang lungsod, maaari po kayong mag-email sa [email protected]” ani alkalde.
Kailangan aniya ang pag -iingat dahil madaling kumalat ang virus. Hindi dapat na maging kampante ang bawat isa dahil walang nakakaalam kung sino ang puwedeng mapasahan ng virus.
Unang isinailalim sa lockdown ang Navotas City Hall noong 23 February, 8:01PM, hanggang sa Linggo, 28 February, matapos may 24 kawani nito ang nagpositibo sa Navotas City Hall Annex at Franchising Permits Processing Unit .
Nitong February 28, pumalo na sa 6,086 ang tinamaan ng virus sa lungsod, 311 dito ang active cases, 5,582 ang mga gumaling at 193 ang binawian ng buhay.
- Latest