^

Metro

Barangay pang naka-lockdown sa Pasay, nadagdagan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nadagdagan pa ang mga barangay sa Pasay City na isinailalim sa loca­lized enhanced community quarantine (LECQ).

Umaabot na sa 56 barangay ang naka-lockdown matapos mai­dagdag pa ang Brgy. 37 noong Miyerkules ng gabi, ayon sa Pasay City Epidemio­logy and Surveillance Unit (CESU).

Ayon kay Pasay CESU head Miko Llorca, sa kasalukuyan ay hindi pa masasabing ang mabilis na pagtaas ng mga kaso ay nagmula sa mas mabilis na makahawang B117 variant  o UK variant  ng SARS-COV-2 virus na una nang na-detect sa isang 46-anyos na babaeng residente ng lungsod.

Isa lamang aniya, ang natukoy na nahawa ng babae mula sa 39 na close contacts nito.

Sa datos ng Pasay CESU, ang hawaan ay sa loob ng magpapamilya.

Ayon sa Pasay Public Information Office, nai­sagawa na ang contact tracing hanggang sa 3rd generation at mga samples na  kinolekta pasa mass RT-PCR testing ay naipadala na para sa genome sequencing.

Nakatutok ngayon ang lokal na pamahalaan sa mass RT-PCR testing; pagdaragdag ng isolation facilities; pagtukoy sa mga barangay kung may 3 kaso na para isailalim din sa LECQ; pagbibigay ng health aid sa mga apektadong constituents;  at regular na monitoring ng  mga kaso.

Nagsimula ang 14-day lockdown sa 33 barangay noong Pebrero 20 na sa loob ng 4 na araw ay umakyat na sa 56 barangay  o 97 households.

Ang Pasay City ay binubuo ng 201 barangay na napapaligiran ng mga terminal ng bus, airport at entertainment sites.

CESU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with