Hindi pagpapakita ng negative COVID-19 test ng mga turista, magdudulot ng malaking problema-OCTA
MANILA, Philippines — Isa umanong malaking problema kung hindi magpapakita ng negative COVID-19 test result ang mga turistang papasok sa isang probinsiya o siyudad.
Ito ang sinabi ni Dr. Butch Ong ng OCTA Research sa pahayag ni Cebu Governor Gwen Garcia na hindi na- requirement sa mga turista na magpakita ng negative COVID-19 test result para makapasok sa Cebu basta’t may medical certificate na ipakikita.
“Para makita talaga natin ang sitwasyon ng kahit anong siyudad o probinsiya, kailangan natin ng COVID-19 testing. Marami sa ating mga kababayan ang asymptomatic, kaya iyong paglipat-lipat ng tao from one area to another, kung asymptomatic, could become a problem lalo na kung mataas ang viral load ng traveler na iyon,” pahayag ni Ong.
Anya mas higit na mapapangalagaan ang kalusugan ng bawat mamamayan kung patuloy na ipatutupad ang requirement na masuri sa virus ang mga turistang papasok sa isang lugar.
Binigyang diin ni Ong na kailangang ipagpatuloy ang pagpapalakas ng pamahalaan sa COVID-19 testing efforts at health system capacity para malaman ng bawat mamamayan ang kailangang gawin para maiwasan ang pagkahawa sa virus.
- Latest