^

Metro

38 Kadamay member, guilty sa trespassing

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinatulang guilty ng Quezon City Metropolitan Trial Court sa kasong trespassing sa ilalim ng Article 281 ng Revised Penal Code ang 38 miyembro ng Kadamay na ilegal na pumasok sa isang bakanteng lote sa Brgy. Tandang Sora Quezon City halos  may apat na taon na ang nakalilipas.

Pero sa halip na pagkakakulong ay minimal na P200  na multa lamang bawat isa ang ipinataw ng korte sa mga akusado.

Ayon kay  QCMTC Branch 43 Judge Don Ace Mariano Alagar, naiintindihan ng korte ang mga akusado na itinulak lamang ng pagkakataon at sirkumstansiya kaya’t multa na lang ang iginawad sa kanila.

Sa ilalim ng Republic Act no. 10951 itinaas na sa P40, 000 ang penalty sa kasong Trespassing noong July 2017, tatlong buwan bago ilegal na pumasok ang mga akusado kaya’t ang dating multa ang ini-aplay ng korte.

Matatandaang Abril 2, 2017 nang okupahan ng mga mi­yembro ng Kadamay ang lupa na dating kinatitirikan ng kanilang bahay matapos paalisin dito noong  July 2016.

TRIAL COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with