18 aroganteng dayuhan, hindi pinapasok sa Pinas
MANILA, Philippines — Umabot sa 18 mga aroganteng dayuhan ang hindi pinayagan ng Bureau of Immigration (BI) na makapasok ng Pilipinas sa buong taong 2020.
“While immigration officers are instructed to exercise maximum tolerance, some foreign nationals overstep their boundaries and arrive drunk, rowdy, and unruly when they present themselves for inspection,” ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente.
Ilan pa sa mga ito ay may binibitiwan pang masasamang salita laban sa mga Pilipino kahit hindi pa sila nakakapasok ng bansa. Bukod sa pagpapabalik sa kanilang bansa, inilalagay rin ang mga bastos na mga dayuhan sa blacklist at ban na sa pagpasok ng Pilipinas.
Karamihan sa mga hindi pinapasok sa bansa noong 2020 ay mga Chinese nationals, ayon pa kay Morente.
Sa rekord pa ng BI, noong 2019 ay umabot sa 180 dayuhan ang hindi pinapasok ng bansa dahil sa parehong dahilan habang noong 2018 ay 133 dayuhan naman ang naitala.
- Latest