Konsehal ng Caloocan haharapin ang kasong tax evasion
MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ni Caloocan City 2nd District Councilor Alexander Mangasar na haharapin niya ang kasong tax evasion na isinampa laban sa kanya at hindi siya nagtatago sa batas.
Ito naman ang pahayag ni Mangasar bilang tugon sa lumabas na balita na siya ay nagtatago upang takasan ang kasong tax evasion kaya nagpalabas ng warrant of arrest si Caloocn City Regional Trial Court Branch 126 Presiding Judge Misael Ladaga.
Sa press statement ni Mangasar, sinabi nito na imposibleng magtago siya dahil naglalagi lamang siya sa kanyang opisina sa city hall at sa Mangasar Rescue.
Sinabi ni Mangasar na nasa korte na ang kaso at handa naman siyang bigyan linaw ito sa paggulong ng pagdinig. Nakapaglagak na ng piyansa si Mangasar sa kasong tax evasion.
Si Mangasar ay may pagkakautang sa BIR na nagkakahalaga ng kabuuang P8,385,754.94, na nahahati sa P6,969,750.82 na income tax at P1,416,004.12 na value added tax, kasama na ang penalty at interest, na hindi nabayaran ng kanyang kompanyang Xander Marketing noong taong 2011.
- Latest