^

Metro

80 metric tons ng gulay mula Central Luzon, ipinasok sa Metro Manila

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

Murang mabibili

Umaabot sa 80 me­trikong tonelada ng  ibat- ibang uri  ng gulay  mula sa Central Luzon ang ipinasok kahapon sa Metro Manila para suportahan ang kakulangan sa suplay  nito  sa Kalakhang Maynila na may murang halaga lamang.

Ayon kay  Agriculture Region 3 Director . Crispulo Bautista, pawang mga pangunahing gulay na madalas gamitin sa mga  sambahayan ang dadalhin sa Juliana Market sa Balintawak Quezon City para agad ibenta sa iba’t-ibang pamilihan sa Metro Manila .

Sinabi ni  Bautista na  mababa ang presyo ng mga gulay  mula Central Luzon.

Ayon kay  Agriculture Asst. Sec. Kristine Evangelista, 20 porsyento na mababa ang presyo ng mga gulay na manggagaling sa Central Luzon.

Nitong lunes,  duma­ting naman ang dalawang metriko toneladang karne ng manok at 700 kilo na mga gulay na dinala sa Agriculture Training Institute na nanggaling sa CA­LABARZON o Region 4A upang may mabiling murang gulay at manok sa lugar.

Ginawa ng ahensiya ang hakbang dahil sa pag-abuso na ng maraming negosyante na sobrang magtaas ng panindang karne at gulay na halos hindi na makayanan ng mamamayan ang halaga lalo pa’t panahon ng pandemic na marami ang hirap sa buhay dahil sa rami ng nawalan ng trabaho.

TONELADA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with