PRC umapela ng blood plasma donations
Sa mga gumaling sa COVID-19
MANILA, Philippines — Patuloy na umaapela ang Philippine Red Cross (PRC) sa mga taong nakarekober na mula sa COVID-19 na mag-donate ng kanilang blood plasma.
Ayon kay Dr. Monina Nalupta, head ng PRC National Blood Services, ang blood plasma ay makatutulong sa mabilis na paggaling ng mga pasyente mula sa COVID-19.
Sa ngayon aniya ay umaabot na sa 614 virus patients ang napagkalooban nila ng convalescent plasma
Una nang sinabi ng PRC, na pinamumunuan ni Sen. Richard Gordon, bilang chairman at CEO nito, na ang bawat bag ng blood plasma mula sa isang COVID-19 survivor ay nagtataglay ng neutralizing antibodies na nakatutulong sa recipients nito na labanan ang impeksiyon na nakapasok sa kanilang katawan.
“Patuloy po tayong nananawagan sa recovered patients ng COVID para magbigay at napakarami pa rin pong tumatawag sa’tin for convalescent treatment,” panawagan pa ni Nalupta.
Matatandaang kabilang ang Philippine General Hospital (PGH) at St. Luke’s Medical Center sa mga health facilities sa bansa na gumagamit ng convalescent plasma therapy sa kanilang COVID-19 patients.
- Latest