Panibagong awtopsiya, giit ng pamilya Dacera
MANILA, Philippines — Hiniling ng kampo ng nasawing flight attendant na muling isailalim sa post mortem examination mula sa independent medico legal ang bangkay ni Christine Angelica Dacera dahil sa hindi umano sila sang-ayon na mistulang natural death lang ang lumabas sa death certificate.
Sinabi ni Atty. Brick Reyes sa isang press conference, ng pamilya Dacera, na hindi sila pumapayag na ang nakalagay sa cause of death ay ‘ruptured aortic aneurysm’ at hindi specific na inilagay ang mga nakitang ‘hematoma, contusions, bruises at abrasions’ na pinaniniwalaan nilang nag-trigger para atakehin ng aneurysm ang biktima.
Kinuwestiyon nila kung bakit hindi kumpleto ang findings kaya kinunan ng litrato ang mga injuries na tinamo ng biktima nang siya ay i-sexual assault dahil nakita naman na may lacerations at positibong ginahasa ang biktima dahil sa nakitang semilya.
Kasama rin sa pinag-aaralan pa ng mga abugado ng pamilya Dacera ang sinasabing nilagyan ng droga ang inumin ng biktima.
May hawak aniya, silang mga litrato ng 7 kaya posibleng madali na silang makilala kahit walang mga pangalan. Bukod dito, sinabi ni Atty. Brick Reyes na bukod sa sampu katao na magkakasamang nagparty sa Room 2207, may pitong lalaki din sa Room 2207 kaya naniniwala sila na ‘accountable’ rin ang City Garden Hotel, kung saan naganap ang New years Party, dahil sa paglabag sa pinaiiral na health protocols ng Inter-Agency Task Force lalo’t kasama ang hotel sa talaan ng ginawang quarantine facility.
Kinuwestiyon din nina Atty. Reyes, kasama ang mga legal counsel ng pamilya na sina Atty. Paolo Tuliao, at Atty. jose Ledda III, ang isa sa umanong kasama sa party na pinayagang makauwi ng Makati Police at hindi umano naisama sa sinampahan ng reklamo.
Hihilingin nila ang paliwanag mula sa Makati Police hinggil sa pagpayag na makaalis ang isa sa dapat umanong kasamang iniharap sa inquest proceedings.
- Latest