^

Metro

Bagong Metropolitan Theatre, bubuksan na!

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos ang ilang dekadang pagkabulok, bubuksan na ang makasaysayang Metropolitan Theatre sa Abril makaraang sumailalim sa matagal na restorasyon, ayon sa National Historical Commission of the Philippines (NHCP).

Isasabay ang pagbubukas ng MET na nasa Lawton, Maynila sa quincentennial o ika-500 taong anibersaryo ng makasaysayang “Victory in Mactan” o ang pagkapanalo ng mga katutubong Pilipino laban sa mga mananakop na Espanyol.

Ayon naman sa National Commission on the Culture and the Arts (NCCA), target na  matapos ang isinasagawang restorasyon ng MET sa Abril 27 kung saan magkakaroon ng mga aktibidad bilang paggunita sa naturang makasaysayang labanan sa pagitan nina Lapu-Lapu at Magellan.

Ang 88-taong gulang na teatro ay naideklara bilang National Historical Landmark at National Cultural Treasure dahil sa pagpapalabas ng mga dula na kinatatampukan ng mga pinakasikat na aktor at aktres noon.

Nakaligtas ito sa World War II bombing noong Battle of Manila ngunit nagsara noong 1996 dahil sa ilang isyu hanggang sa tuluyan nang nasira sa pagdaan ng mga taon.

Sa pagtutulungan ng NCCA, NHP at ni Manila Mayor Isko Moreno, na­ging matagumpay ang restorasyon nito na muli nang masisilayan ng mga Pilipino na mahilig sa kultural na palabas.

METROPOLITAN THEATRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with