Monthly contribution ng SSS member, tataas
Simula sa Enero 2021
MANILA, Philippines — Tataas na ang halaga ng monthly contribution ng mga miyembro ng Social Security Commission (SSC) sa susunod na taong 2021.
Ayon sa SSS, ang taas sa kontribusyon ng mga miyembo ay para matiyak ang long-term viability ng pension fund at mapabuti pa ang benepisyong tinatanggap ng SSS members.
Simula January 2021 ang monthly contribution rate ay tataas ng 1 percent o magiging 13 percent mula sa kasalukuyang 12 percent ng kanilang sahod pero hindi lalampas sa maximum monthly salary credit (MSC) ng mga miyembro.
Niliwanag ng SSS na ang pinataas na monthly contributions ay magbubunsod din ng mas mataas na savings at safety net ng mga miyembro para sa pangangailangan sa hinaharap tulad ng sickness, maternity, disability, unemployment, old age, death, at iba pang contingencies tulad ng kawalan ng pinagkukunan ng sahod o pangangailangan sa pondo para sustentuhan ang pamilya.
Kung hindi umano gagawin ang taas sa monthly contribution ng mga miyembro ay malalagay sa alanganin ang pagkakaloob ng SSS ng benepisyo sa mga miyembro at benepisyaryo at loan privileges.
Mula January hanggang October 2020, nag-disbursed ang SSS ng kabuuang P159.47 billion sa social security at employees’ compensation benefits sa 3.56 million members at beneficiaries.
- Latest