^

Metro

Social media personality na si Xander Ford, inaresto

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Social media personality na si Xander Ford, inaresto
Sa ulat ng MPD Intel Section, dakong alas-7:30 ng gabi nang arestuhin sa loob ng isang restoran sa may Roxas Boulevard sa East Service Road, Pasay City si Xander Ford o Marlou Arizala sa totoong buhay, 24, nakatira sa San Francisco Sunnybrooke 2, Section 8, General Trias, Cavite.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Kalaboso ang konrobersyal na aktor at social media personality na si Xander Ford nang arestuhin siya kamakalawa ng gabi ng mga tauhan ng Manila Police District sa bisa ng warrant of arrest base sa mga kasong isinampa ng kaniyang dating nobya.

Sa ulat ng MPD Intel Section, dakong alas-7:30 ng gabi nang arestuhin sa loob ng isang restoran sa may Roxas Boulevard sa East Service Road, Pasay City si Xander Ford o Marlou Arizala sa totoong buhay, 24, nakatira sa San Francisco Sunnybrooke 2, Section 8, General Trias, Cavite.

Hindi na nakapalag si Arizala nang ihain sa kaniya ng mga pulis ang warrant of arrest para sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Violence Against Women and their Children Act.

Nag-ugat ang kaso sa reklamo ng dating nobya ni Arizala na si Ysah Cabrejas ng umano’y pambubugbog sa kaniya at tangkang panggagahasa.

Sinabi naman ni Arizala na nag-usap na sila ng dating kasintahan at inakala na nagkasundo na sila ngunit nagulat na lamang nang ituloy ang kaso laban sa kaniya.  Itinanggi rin niya ang mga akusasyon.

Sa kabila nito, nanawagan si Arizala kay Cabrejas na patawarin na siya para  sa kaniyang ina at dahil sa magpa-Pasko na.

Ibinalik na ang warrant of arrest sa sala ni Judge Maria Celestina Cruz-Mangrobang ng Manila Regional Trial Court Branch 38 na naglaan ng P18,000 piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Arizala habang dinidinig ang kaso.

XANDER FORD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with