^

Metro

Kotse inararo ang 3 sasakyan, bystanders: 1 patay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Kotse inararo ang 3 sasakyan, bystanders: 1 patay
Patuloy pang inaa-lam ang pagkakakilan-lan sa nasawing biktima na isa umanong bystander na isa sa nasapul ng Hyundai Accent na minamaneho ng suspek na si Armado Pitas, 55, ng Brgy. Western Bicutan, Taguig City.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang hindi pa nakikilalang lalaki   habang anim ang sugatan makaraang araruhin ng isang kotse ang tatlong sasakyan at mga bystander nang makaranas umano ng ‘sudden unintended accele­ration (SUA)’, kahapon ng umaga sa Binondo, Maynila.

Patuloy pang inaa-lam ang pagkakakilan-lan sa nasawing biktima na isa umanong bystander na isa sa nasapul ng Hyundai Accent na minamaneho ng suspek na si Armado Pitas, 55, ng Brgy. Western Bicutan, Taguig City.

Sugatan naman ang iba pang biktima na sina Jerry Del Rosario, 41, nagmamaneho ng Hyundai Electric Bike; Adriano Limse, 38, pedicab dri-ver; Ryan boy Caranzo, 39, tsuper ng Honda TMX 125 tricycle; Jonathan Ratin, 40, jeepney driver at dalawa pa na hindi pa nakukuha ang pagkakakilanlan.

Sa ulat ng Meisic Police Station 11 ng Manila Police District, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng umaga sa may CM Recto Avenue, Binondo.  Ayon sa mga saksi, bigla umanong humarurot ang pulang Hyundai at unang binunggo ang jeep saka sinapol ang isang tricycle, pedicab at e-bike.

Agad na isinugod sa pagamutan ang mga biktima sakay ng mga ambulansya habang ina­resto at dinala sa Juna Luna Police Community Precinct ang suspek.

Sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide, multiple physical injuries at damage to properties ang suspek sa Manila City Prose­cutor’s Office.

SUA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with