^

Metro

Operating speed ng MRT-3 trains, mas lalong pinabilis

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binigyan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ng maagang pamasko ang kanilang mga commuters dahil simula ngayong Disyembre ay mas mabilis na ang ­operating speed ng kanilang mga tren, na aabot na ngayon sa 60 kilometer per hour (kph).

Ayon kay MRT-3 Director for Operations Michael Capati,  inaasahan nilang magreresulta ito sa pag-ikli ng biyahe ng mga pasahero ng mula isang oras hanggang 15-minuto ay magiging 50 minuto na lamang mula North Avenue, Quezon City hanggang Taft Avenue, Pasay City.

Gayundin, mababawasan din ang waiting time o paghihintay ng mga commuters sa mga tren upang makasakay ng hanggang 3.5 hanggang apat na minuto na lamang mula sa dating walo hanggang 9.5 minuto.

“Ikinalulugod naming i-announce sa inyo na nasa 60 kph na po ang aming takbo sa MRT-3,” anunsiyo pa ni Capati.

Sinabi ni Capati na mula sa dating 30 kph, na siyang bilis ng kanilang mga tren bago ito isailalim sa rehabilitasyon, ay naitaas nila ang operating speed ng mga ito ngayong buwan ng Disyembre ng hanggang 60 kph bilang resulta ng isinagawa nilang mabilis na rehabili­tasyon sa buong linya ng MRT-3 na dapat ay sa Pebrero, 2021, pa matatapos.

Sa ngayon, aniya ay may average na 20 tren ang tumatakbo sa linya ng MRT-3 habang nanatili sa 30 percent ang carrying capacity nito.

KPH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with