100 residente ng Marikina kumita ng tig-P3,000
Sa paglilinis ng basura ni ‘Ulysses’
MANILA, Philippines — Nakatanggap ng tig-P3K bawat isa ang nasa 100 residente sa lungsod ng Marikina matapos makilahok sa paglilinis ng toneladang basura na iniwan ng bagyong Ulysses.
Ang pagmomobilisa ng 100 residente ay bahagi ng inisyatibong cash-for-work program ni Tingog Partylist Rep. Yedda Marie Romualdez para linisin ang makapal na putik at sangkaterbang basura sa mga kalye sa komunidad ng Brgy. Malanday ng lungsod sa loob ng 3 araw.
Ang Brgy. Malanday ay isa sa mga lugar na matinding naapektuhan ng pagragasa ng baha sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Ulysses noong Nobyembre 12.
Ayon kay Romualdez, ang isinagawang 3 araw na clean up drive ay pinangasiwaan ng Tingog volunteers sa pakikipagkoordinasyon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Nabatid pa na sa ilalim ng cash for work program, ayon pa kay Romualdez ay ang pagtatanim ng mga natatanging punongkahoy, organic gardening, paglilinis ng mga daluyan ng tubig at mga baradong kanal, clean-up sa mga komunidad, pagtatayo ng mga toilets, rehabilitasyon ng river banks , farm to market road at iba pa.
- Latest