‘Exodus’ ng mga foreign nationals umabot sa 2 milyon
MANILA, Philippines — Umabot sa 2 milyong foreign nationals ang umalis sa bansa ngayong 2020, ayon sa Bureau of Immigration (BI).
Sinabi ni BI Spokesperson Dana Sandoval, nagkaroon ng exodus ng mga foreign nationals sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng bansa.
“Well, nakikita po natin parang nagkaroon po ng exodus ng mga foreign nationals dito sa bansa. For the first time po siguro in history or in a long time eh mas marami po iyong umaalis kaysa sa dumarating po...two million po iyong umalis ng bansa for 2020,” ani Sandoval.
Ayon pa kay Sandoval, nasa 1.5 milyon ang dumating sa bansa samantalang 2 milyon naman ang umalis.
Mas marami aniya ang umalis na inasahang magtutuluy-tuloy hanggang sa katapusan ng taon o unang bahagi ng 2021 hangga’t may COVID-19 pandemic.
“So mas marami po iyong umaalis ng Pilipinas. And we this trend po siguro until the end of the year, until the early next year po na marami pong umaalis habang mayroon pong pandemic,” ani Sandoval.
Ayon din kay Sandoval, may malaking epekto sa ekonomiya ang exodus ng mga foreign nationals.
“So this has a big effect po siguro sa atin dahil for the past few years po, nakikita po natin upward iyong trend po ng foreign arrivals dito sa bansa following na rin po ng pinaigting po na efforts ng Department of Tourism to invite foreign tourists dito sa Pilipinas, so nakikita po natin na malaki po ang magiging impact nito sa ating ekonomiya as well,” dagdag ni Sandoval.
Samantala, nilinaw din ni Sandoval na ang mga banyaga na papayagan nang muling pumasok sa bansa ay dapat kasabay ng kanilang mga balikbayang Filipino spouse.
“Just for clarification para po sa mga viewers natin and listeners, iyon po iyong spouse and children of Filipinos, as well as iyong former Filipino po – iyong dati pong Pilipino na naging foreign national na – kasama po iyong kanilang asawa at iyong mga anak po. So kailangan po, ang requirements po diyan is they should be travelling with the Filipino or the former Filipino and they get a one-year balikbayan privilege,” paliwanag ni Sandoval.
- Latest