Frontman ng banda na ‘Slapshock’, natagpuang patay sa kanyang bahay
MANILA, Philippines — Natagpuang patay ang 42- anyos na Slapshock frontman Vladimir “Jamir” Garcia habang nasa loob ng comfort room ng kanilang bahay sa Quezon City kahapon ng umaga
Ayon kay QC Police District Talipapa Police chief Lt. Col. Christine Tabdi, dinala pa sa Metro North hospital si Garcia pero ideneklarang dead- on-arrival ng doktor na tumingin dito sa naturang pagamutan.
Sinabi ni Tabdi inaalam na ng Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD ang tunay na sanhi ng pagkamatay ni Garcia na magsasagawa ng masinsinang imbestigasyon sa kaso.
Noong 1997 nakilala ang Slapshock sa hanay ng mga banda sa Pilipinas dahil sa kakaibang tugtugin at sila ang nagpasikat ng kantang “Agent Orange,” “Ngayon Na,” “Langit,” “Anino Mo,” “Salamin,” , “Luha” at iba pa. Marami namang grupo ng musicians ang nanghinayang sa pagkawala ni Garcia.
- Latest