^

Metro

Obese na pulis imomonitor- Sinas

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Itutuloy na ang pagmomonitor sa mga ‘obese’ na pulis.

Ito ang binigyang- diin ni  PNP chief General Debold Sinas sa layuning manatiling epektibo ang mga ito sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

Sa ginanap na press briefing sinabi ni  Sinas na ibabalik na ang Body Mass Index (BMI) monitoring sa mga pulis upang mapanatili ang kalusugan at maiwasan ang  anumang sakit na humahantong sa kamatayan. Aniya, istriktong ipapatupad ang BMI monitoring sa mga pulis na pangangasiwaan ng  PNP Directorate for Human Resource and Doctrine Development (DHRDD) para matulungan ang mga obese na pulis na maging fit.

 Nabatid kay Sinas na  sinuspinde ang BMI monitoring bago siya maging hepe ng pambansang pulisya dahil sa banta ng COVID-19.

Paliwanag ni  Sinas, sa loob ng  siyam na buwan ay nabawasan ang  kilos at galaw ng lahat  dahil sa pandemic kung saan  ipinagbawal ang pagpunta sa mga gym upang makapag ehersisyo.

Ito rin aniya ang  dahlian kaya nag-develop ang PNP ng 4-minute exercise ay upang maiwasang maging obese ang mga pulis.

Hinamon pa ni  Sinas  ang  mga pulis na  kayanin ang  pagiging fit dahil siya mismo ay  susunod at handang sumailalim sa fitness program upang mas madaling maisakatuparan ang  kanilang tungkulin.

SINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with