E-Scooter pinapayagan na sa Valenzuela
MANILA, Philippines — Pinapayagan na sa lungsod ng Valenzuela ang paggamit ng e-scooter matapos na maipasa ito sa 14th Special Session ng konseho.
Batay sa Ordinance No. 811, Series of 2020 o “2020 E-Scooter Ordinance of Valenzuela City” pinapayagan na ang mga e-scooters na dumaan sa lahat ng mga kalsada, kalye at eskinita sa lungsod maliban sa kahabaan ng McArthur Highway.
Ayon kay Mayor Rex Gatchalian, nakasaad sa ordinansa na kailangan may suot na helmet, knee pads, wrist pads at elbow pads ang mga sumasakay ng e-scooter.
Tanging ang mga 17 taong gulang pataas lamang ang maaaring magmaneho ng e-scooter. Ang mga 16 taong gulang pababa ay maaaring payagan basta’t gagamitin ang e-scooter sa sariling pribadong ari-arian o compound at may gabay ng kanilang mga magulang.
Ang sinumang lumabag sa ordinansa ay pagmumultahin ng P500.00 o 24 oras na community service.
- Latest