Kotse sumalpok, nasunog sa Roxas Blvd.
MANILA, Philippines — Isang kotse na minamaneho ng isang barangay kagawad ang sumalpok sa concrete barrier sanhi upang magliyab sa gitna ng Buendia flyover sa Roxas Boulevard, Pasay City kahapon ng umaga.
Sa ulat ng Pasay City Police Station, dakong alas 7:25 ng umaga nang masunog ang Chevrolet Optra na may plakang HRV-105 na minamaneho ni Kagawad Ralph Gary Bert Limpin, residente ng No. 998 San Bernardo St., Tondo.
Sa pagresponde ng Pasay Police Sub-station 1, hindi muna pinadaanan ang erya kung saan nasunog ang sasakyan hanggang sa maapula ng Pasay Bureau of Fire Protection (BFP).
Sa imbestigasyon ng Pasay Vehicular Traffic Investigation Section, sinabi ni Limpin na habang binabagtas nito ang R. Blvd pababa ng flyover nang mag-lock umano ang manibela at hindi na niya makontrol ang takbo ng sasakyan hanggang sa sumalpok sa concrete barriers at plant boc ng center island.
Doon na nagsimula ang usok na nagmula sa vehicle engine at agad na lumaki ang apoy. Masuwerteng nakalabas pa ng sasakyan si Limpin.
Sinabi ni Limpin na hiniram lang niya sa kaniyang bayaw ang nasunog na sasakyan.
- Latest